Sinabi ngayong araw, Disyembre 11, 2023, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na nitong nakalipas na ilang panahon, naganap ang mga mapanganib na engkwentro sa karagatan ng Ren’ai Jiao sa South China Sea (SCS), at ang Pilipinas ang responsable rito.
Ani Mao, ang pinag-uugatang dahilan ng isyung ito ay hindi pagtupad ng Pilipinas sa pangako nitong pagpapaalis ng ilegal na isinadsad na barkong pandigma sa Ren’ai Jiao, at tinatangkang kumpunihin ito sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga bapor na may lulang mga building material, upang maisakatuparan ang pangmatagalang pananakop sa Ren’ai Jiao.
Dagdag niya, muling hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na itigil ang mga aksyon ng paglabag sa karapatan at probokasyon, ihinto ang walang batayang pangbabatikos at paninirang-puri sa Tsina, at hindi isagawa ang mga aksyong sumisira sa kapayapaan at katatagan sa SCS.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos