Ayon sa media ng Pilipinas, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Pilipinas na ang diplomatikong pagsisikap ng Pilipinas sa Tsina ay patungo sa “maling direksyon.”
Kaugnay nito, ipinahayag Disyembre 19, 2023, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga kaganapan kamakailan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas sa South China Sea ay sanhi ng probokasyon ng Pilipinas, at ang responsibilidad ay nasa Pilipinas.
Ani Wang, matatag na pinapangalagaan ng Tsina ang soberanya ng teritoryo, karapatang pandagat at interes ng bansa.
Kasabay nito, ang mga alitan sa dagat ay hindi kumatawan ng kabuuan ng relasyong Sino-Pilipino. Nakahanda ang Tsina na maayos na hawakan ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, kasama ng Pilipinas, at hindi isasara ng Tsina ang pinto ng diyalogo at ugnayan sa Pilipinas.
Umaasa ang Tsina na isasagawa ng Pilipinas ang tamang kapasiyahan, seryosong igalang ang pangako nito na maayos na hawakan ang alitan sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon, at magsisikap ang Pilipinas kasama ng Tsina para pasulungin ang malusog at matatag na pag-unlad ng bilateral na relasyon at magkasamang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito, saad ni Wang.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil