Pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo, ipinagdiinan ng premyer Tsino

2023-12-21 16:27:10  CMG
Share with:

Sa sesyon ng pag-aaral ng Konseho ng Estado, Disyembre 21, 2023, binigyan-diin ni Premyer Li Qiang ng Tsina, na kailangang pabutihin ang kapaligirang pang-negosyo ng bansa upang patuloy na isulong ang bitalidad ng merkado at palakasin ang endogenous dynamics tungo sa pag-unlad ng ekonomiyang Tsino.

si Premyer Li Qiang ng Tsina sa sesyon ng pag-aaral ng Konseho ng Estado(photo from Xinhua)

Ang "endogenous dynamics" ay tumutukoy sa internal o likas na mekanismo sa loob ng isang sistema na nagbibigay-daan sa mga pagbabago kahit walang impluwensyang mula sa labas.

Sa pagpapalakas ng reporma sa mga pangunahing larangan at mahahalagang sektor, dapat aniyang magpatuloy ang paglikha ng dekalidad na kapaligirang pang-negosyo na nakatuon sa merkado, nababatay sa batas, at internasyonalisado upang itaguyod ang mataas na kalidad ng pag-unlad.

Sa mga sumusunod na hakbang, sinabi ni Li na mas maraming pagsisikap ang gagawin upang tiyakin ang patas na kompetisyon, alisin ang mga regulasyon at praktika na humahadlang sa unipikadong merkado at patas na kompetisyon, titiyakin na ang lahat ng uri ng negosyo ay magkakaroon ng patas na kompetisyon, at mas mahusay na poprotektahan ang lehitimong karapatan at interes ng lahat ng uri ng entidad pang-negosyo.

Dagdag diyan, magsisikap din aniya ang Tsina upang palakasin ang pagtutugma ng mga mataas na pamantayan ng pandaigdigang patakaran sa ekonomiya at kalakalan ng bansa, bibigyang-buhay ang papel ng stress tests sa mga platapormang tulad ng pilot free trade zones, at lilikha ng mas maraming nangungunang at landmark na inobasyon sa mga institusyong pangkalakalan, dagdag ni Li.

Salin:Sarah

Pulido:Rhio