CMG Komentaryo: Alamin ang kahalagahan ng pamumuhunan sa Tsina mula sa CEWC

2023-12-14 16:46:26  CMG
Share with:

 


Bilang ika-2 pinakamalaking ekonomiya sa daigdig, malaking pansin ang inuukol ng mundo sa direksyong tatahakin ng mga polisyang pang-ekonomiya ng Tsina.

 

Sa Central Economic Work Conference (CEWC) na ginanap mula Disyembre 11 hanggang 12, 2023, nilinaw ang mga pangunahing hakbang pang-ekonomiya ng Tsina sa taong 2024.

 

Ang mga ito ay binubuo ng 9 na aspektong kinabibilangan ng pagtatatag ng modernisadong sistema ng industriya sa pamamagitan ng inobasyon ng agham at teknolohiya; masikap na pagpapalawak ng pangangilangang panloob; pagpapalalim ng reporma sa mga pangunahing larangan; pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas; pagpigil ng panganib sa mga pangunahing larangan; pagpapabuti ng gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at pagsasaka; pagpapasulong ng komong pag-unlad ng lunsod at nayon; pagpapasulong ng konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon at berdeng pag-unlad; at aktuwal na paggarantiya at pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.

 

Dahil sa matumal na pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, kinakailangan ng mga tao ang mas maraming lakas upang maharap ang mga di-tiyak na pangyayari sa 2024.

 

Tungkol dito, patuloy na isasagawa ng Tsina ang proaktibong patakarang pinansyal, at matatag at malusog na patakarang pansalapi.

 

Binigyang-diin sa CEWC, na ilulunsad ang mas maraming patakarang makakatulong sa pagpapatatag ng ekspektasyon, paglago ng kabuhayan at hanap-buhay.

 

Lahat ito ay nangangahulugang, ang katatagan ay gagawing pangkalahatang kalagayan at pundasyon ng polisiyang pang-ekonomiya ng Tsina.

 

Ang mga nabanggit ay nagbibigay ng katatagan sa pag-unlad, at pinahahalagahan ng mga dayuhang kompanya.

 

Ipinahayag din sa CEWC, na sa susunod na taon, puspusang palalawakin ang domestikong pangangailangan, patatatagin at palalakihin ang tradisyonal na konsumo, at bibigyang-pokus ang pagpapasigla ng makabagong konsumo, bagay na magdudulot ng mas maraming pagkakataon para sa mga gustong mamuhunan sa Tsina.

 

Sa kabila ng pagpapasulong ng “decoupling” ng Amerika at ilang bansang kanluranin, matatag at palagian pa ring pinalalawak ng Tsina ang mataas na lebel na pagbubukas sa labas, at ito ay nagsisilbing kompiyansa sa pamumuhunan sa bansa.

 

Kahit kinakaharap ng kabuhayang Tsino ang ilang kahirapan, mas malaki pa rin ang mga pagkakataong alok nito kaysa hamon.

 

May kakayahan ang Tsina na patuloy na palakasin ang pagbangon at pagbuti ng kabuhayan, at sa prosesong ito, magiging mas malinaw ang kahalagahan ng pamumuhuan sa bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio