Central Economic Work Conference, naglatag ng malinaw na direksyon sa ekonomiyang Tsino

2023-12-14 12:01:25  CMG
Share with:

Ang Central Economic Work Conference (CEWC) ng Tsina na ginaganap tuwing katapusan ng taon ay mahalagang bintana sa pag-obserba ng direksyong tatahakin ng kabuhayang Tsino.

 

Kaugnay nito, ginanap ang CEWC mula Disyembre 11 hanggang 12, 2023 sa Beijing para balangkasin ang pagunahing gawaing pangkabuhayan sa taong 2024.

 


Dumalo at nagtalumpati rito si Pangulong Xi Jinping ng bansa.

 

Ayon sa konsenso ng pulong, di-magbabago ang pagbangon ng pambasang kabuhayan ng Tsina sa susunod na taon, pero kailangang igiit ang ideya ng de-kalidad na pag-unlad at pasulungin ang mabisa at makatuwirang paglaki ng kabuhayan.

 


Iniharap sa pulong ang mga pangunahing gawain sa taong 2024 na kinabibilangan ng pagtatatag ng modernisadong sistema ng industriya sa pamamagitan ng inobasyon ng agham at teknolohiya; masikap na pagpapalawak ng pangangilangang panloob; pagpapalalim ng reporma sa mga pangunahing larangan; pagpapasulong ng de-kalidad na pagbubukas sa labas; pagpigil ng panganib sa mga pangunahing larangan; pagpapabuti ng gawaing may kinalaman sa agrikultura, kanayunan at pagsasaka; pagpapasulong ng komong pag-unlad ng lunsod at nayon; pagpapasulong ng konstruksyon ng ekolohikal na sibilisasyon at berdeng pag-unlad; at aktuwal na paggarantiya at pagpapabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.

 


Ginawa rin sa pulong ang konkretong plano kaugnay ng target ng pagtatatag ng malakas na bansang agrikultural.

 

Ito’y nangangahulugang mabisang at komprehensibong pasisiglahin ang mga nayon; pauunlarin ang mga industriya sa kanayunan; patataasin ang kita ng mga magsasaka; at itatatag ang maharmonya’t magandang nayong maginhawa para sa pagtatayo at pagpapatakbo ng negosyo.

 

Ang isa sa mga nukleo ng kaisipang ekonomiko ni Xi Jinping ay pagpapabilis ng pagtatatag ng sistema ng modernong industriya na suportado ng real economy.

 

Sa magkakaibang okasyon, paulit-ulit na ipinanawagan ni Xi sa mga mamumuhunang pandaigdig na hindi magbabago ang patakaran ng Tsina sa reporma at pagbubukas, at nakahandang pasulungin ng Tsina ang komong kasaganaan at kaunlaran ng kabuhayang pandaigdig.

 

Ang pagtahak ng Tsina sa modernisasyon at paghahangad ng mas maligayang pamumuhay ay napakalaking pagkakataon sa daigdig.

 

 

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio