Value-added industrial output ng Tsina sa 2023, lalaki ng mahigit 4.3% - pagtaya ng MIIT

2023-12-22 16:18:07  CMG
Share with:

Ayon sa Ministri ng Industriya at Teknolohiya ng Impormasyon ng Tsina (MIIT), sa taong ito, nakita ang magandang tunguhin ng paglago sa industriyal na ekonomiya ng bansa.

 

Tinaya ng ministring ito, na ang taunang value-added industrial output ng bansa ay higit pang lalaki ng 4.3%, matatag ang proporsyon ng manufacturing added value ng Gross Domestic Product (GDP), at ang kabuuang sukat nito ay napapanatiling nasa unang puwesto sa buong mundo sa loob ng 14 na magkakasunod na taon.

 

Ayon pa rin sa naturang ministri, higit pang pinabuti at ina-upgrade ang istruktura ng industriya. Mabilis na lumago ang pagluluwas ng “tatlong bagong produkto” na kinabibilangan ng mga sasakyang gamit ng bagong enerhiya, mga baterya ng lithium at mga produktong photovoltaic. Kabilang dito, ang bilang ng mga iniluwas na sasakyang gamit ng bagong enerhiya ay umabot sa 1.091 milyong unit.

 

Kasabay nito, patuloy na umuunlad ang industriya ng impormasyon at komunikasyon. Sa pagtatapos ng Nobyembre, may kabuuang 3.282 milyong 5G base station ang naitayo, at pinabilis ang mga kasubukan ng teknolohiya ng 6G.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil