Liderato ng CPC, sinuri ang mga gawain sa 2023

2023-12-23 17:36:08  CMG
Share with:

 

Nagpulong kahapon, Disyembre 22, 2023, sa Beijing, ang Politburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para suriin ang mga gawain ng iba’t ibang miyembro ng politburo sa taong ito.

 

Sinabi sa pulong ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, na sa taong ito, pinamumunuan ng Komite Sentral ng CPC ang buong partido at mga mamamayang Tsino para sa pagpapasulong ng pagbangon at paglago ng kabuhayan, pagsasakatuparan ng mga pangunahing target sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan, at pagtamo ng mga progreso sa mga aspektong gaya ng produksyon ng mga pagkaing-butil, inobasyong pansiyensya’t panteknolohiya, institusyonal na reporma, pagbubukas sa labas, diplomasya, paglaban sa korupsyon, at iba pa.

 

Binigyang-diin ni Xi, na ang de-kalidad na pag-unlad ay tungkuling may priyoridad sa modernisasyong Tsino, at dapat ituring itong mahalagang bahagi sa pagsusuri sa resulta ng mga gawain ng mga pamunuan ng CPC sa iba’t ibang antas.

 

Nanawagan din siyang batay sa mga natamong bunga ng programa ng teoretikal na pag-aaral ng CPC, tipunin ang mga malakas na puwersa para ibayo pang isulong ang mga gawain ng partido at bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos