CPC, pinakinggan ang mga palagay at mungkahi sa kabuhayan

2023-12-09 17:38:56  CMG
Share with:

Ipinatawag Disyembre 6, 2023, sa Beijing ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang symposium para pakinggan ang mga palagay at mungkahi ng mga personaheng di-kasapi ng CPC tungkol sa kalagayan ng kabuhayan sa taong ito at gawaing pangkabuhayan sa susunod na taon.

 

Nangulo at nagtalumpati sa symposium si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa.

 

Nagtalumpati naman ang mga kinatawan mula sa walong partidong demokratiko ng Tsina, All-China Federation of Industry and Commerce, at sirkulo ng mga personaheng walang pagsapi sa mga partido.

 

Iniharap nila ang mga palagay at mungkahi tungkol sa pagpapalalim ng panlabas na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan, pagsasagawa ng proaktibong patakarang piskal, pagbuo ng kapaligirang pampamilihan na may pantay na kompetisyon, pagpapalawak ng epektibong pamumuhunan, pagpapaunlad ng new material industry, pagpapabilis ng transisyon at pag-u-upgrade ng konsumo, pagpapasulong sa pagsasapamilihan ng mga bunga ng siyensiya at teknolohiya, pinagsama-samang pag-unlad ng magkabilang pampang ng Taiwan Straits, pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyo batay sa mga pandaigdigang pamantayan, at pagpapataas ng lebel ng kooperasyon ng Belt and Road.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos