Ika-7 China- ASEAN Film Panorama, binuksan

2023-12-23 17:43:39  CMG
Share with:

 

Binuksan kagabi, Disyembre 22, 2023, sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-7 China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Film Panorama.

 

Layon nitong pasulungin ang pagpapalitang pangkultura sa pagitan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pamamagitan ng mga sikat na pelikula ng dalawang panig.

 

Sa aktibidad na tatagal hanggang ika-28 ng buwang ito, ipapalabas ang dalawang pelikulang Tsino at 10 pelikula mula sa 6 na bansang ASEAN, kabilang ang Leonor Will Never Die ng Pilipinas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos