Muling naglaan ngayong araw, Disyembre 25, 2023, ng 400 milyong yuan RMB ang Ministri ng Pinansya at Ministri ng Pangkagipitang Pangangasiwa ng Tsina para sa mga lalawigang Gansu at Qinghai, gawing hilagangkanluran ng bansa para sa mga gawaing panaklolo at rekonstruksyon pagkatapos ng lindol.
Ayon sa nasabing mga ministri, ang karagdagang pondo ay maggagarantiya sa maayos na operasyon ng paghahanap, pagliligtas, at pagbabalik sa normal na kaayusan ng pamumuhay ng mga tao sa mga nilindol na purok.
Nauna rito, inilaan na ng Ministri ng Pinansya at iba pang kinauukulang departamento ang 700 milyong yuan RMB para sa naturang apektadong lalawigan.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio