Tubo ng mga central SOEs noong unang 11 buwan ng 2023, 2.4 trilyong yuan

2023-12-27 15:31:32  CMG
Share with:

Mula noong Enero hanggang Nobyembre 2023, umabot sa 2.4 trilyong yuan RMB ang kabuuang tubo ng mga centrally-administered state-owned enterprises (SOEs) ng Tsina.

 

Samantala, 4.1 trilyuang yuan naman ang fixed-asset investment ng mga central SOE sa gayunding panahon na kinabibilangan ng real estate, at ito ay lumaki ng 9.1% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Ang mga datos na ito ay isiniwalat sa isang pulong ng State-owned Assets Supervision and Administration Commission (SASAC) ng Konseho ng Estado ng Tsina na ginanap mula Disyembre 25 hanggang 26.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio