Symposyum bilang paggunita sa ika-130 anibersaryo ng kapanganakan ni Mao Zedong, idinaos ng Komite Sentral ng CPC

2023-12-27 17:07:09  CMG
Share with:

Disyembre 27, 2023, Great Hall of the People, Beijing – Sa symposium na idinaos ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) bilang paggunita sa ika-130 anibersaryo ng kapanganakan ni Mao Zedong, binigyan-diin ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, ang kahalagahan ng pagpapasulong ng usapin na pinasimunuan ni Mao Zedong.

 

Xi Jinping, general secretary of the Communist Party of China (CPC) Central Committee, Chinese president and chairman of the Central Military Commission, delivers an important speech at a symposium held by the CPC Central Committee to commemorate the 130th anniversary of the birth of Comrade Mao Zedong in Beijing, China, December 26, 2023. (photo from Xinhua)


Aniya, kailangan ang pagsisikap para ma-unipika ang Nasyong Tsino at maisulong ang Tsina upang maging isang mas malakas na bansa sa iba’t-ibang larangan, sa pamamagitan ng pagpapasulong ng ideya ng modernisasyong Tsino.

 

Ang Kaisipan ni Mao Zedong ay napakahalagang espirituwal na kayamanan para sa CPC, na nagtuturo ng mga gawain ng bansa sa mahabang panahon, ani Xi.

 

Binigyan-diin niya na ang pinakamabuting paraan ng paggunita kay Mao ay patuloy na pagpapasulong ng usapin na pinasimunuan niya.

 

Bago ang symposium, bumisita ang mga lider na kinabibilangan nina Xi Jinping, Li Qiang, Zhao Leji, Wang Huning, Cai Qi, Ding Xuexiang, Li Xi at Han Zheng, sa Chairman Mao Memorial Hall, kung saan isinagawa nila ang tatlong pagyukod sa nakaupong rebulto ni Mao bilang pagbibigay-galang sa kanya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio