Mula Disyembre 27 hanggang 28, 2023, idinaos sa Beijing ang Komperensyang Sentral hinggil sa Gawaing May Kinalaman sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina.
Sa kanyang importanteng talumpati sa pulong, sistematikong nilagom ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang mga historikal na tagumpay at mahalagang karanasan ng major-country diplomacy na may katangiang Tsino sa makabagong panahon, malalimang inilahad ang kapaligirang pandaigdig at historikal na misyon ng usaping panlabas ng bansa sa makabagong biyahe, at ginawa ang komprehensibong plano para sa usaping panlabas sa kasalukuyan at hinaharap.
Sapul nang umakyat sa poder si Xi Jinping, nabuo at pinaunlad ang kaisipang diplomatiko ni Xi, at nagsilbi itong pundamental na alituntunin para sa major-country diplomacy na may katangiang Tsino.
Kaugnay ng papaano haharapin at reresolbahin ang isang serye ng mga pangunahing isyu at hamong kinakaharap ng daigdig, iniharap ni Xi ang kalutasan sa dalawang aspekto, kaya, samaktwid, iminumungkahi nito ang pantay at maayos na multi-polar world at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan.
Ang mungkahing ito ay isa nang praktika ng kaisipang diplomatiko ni Xi.
Sa kalagayang madalas na lumilitaw ang mga hamong pandaigdig, nagpapakita ito ng pakikitungo ng malaking bansa na maging responsable sa kaunlaran at kapalaran ng buong sangkatauhan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil