Ikapitong sesyon ng Pirmihang Komite ng Ika-14 na NPC, ipininid

2023-12-30 17:07:17  CMG
Share with:

 

Ipininid kahapon, Disyembre 29, 2023, sa Beijing ang ikapitong sesyon ng Pirmihang Komite ng Ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina.

 

Sa panghuling pulong ng sesyong ito, inaprobahan ng mga mambabatas sa pamamagitan ng pagboto ang rebisadong Batas sa Kompanya, Batas sa Seguridad ng Pagkain, Amendment XII ng Batas Kriminal, at desisyon tungkol sa pagsususog sa Batas sa Kawanggawa.

 

Pinagtibay din nila ang desisyon na hirangin sila Dong Jun bilang Ministro ng Tanggulang Bansa, Lu Zhiyuan para halinhan si Tang Dengjie sa posisyong Ministro ng mga Suliraning Sibil, at Sun Yeli para halinhan si Hu Heping sa posisyong Ministro ng Kultura at Turismo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos