Sa kanyang talumpati sa One Planet Polar Summit na idinaos nitong Nobyembre 10, 2023, sa Paris, Pransya, ipinanawagan ni Ding Zhongli, Pangalawang Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, ang pagtatatag ng isang pantay, makatuwiran at maayos na pandaigdigang sistema ng pamamahala, at paggigiit ng prinsipyo ng komon pero magkakaibang responsibilidad, para magkakasamang maharap ang pagbabago ng klima.
Sina Ding Zhongli, Pangalawang Tagapangulo ng NPC ng Tsina at Loic Herve, Pangalawang Pangulo ng Senado ng Pransya (photo from)
Patuloy na matatag na igigiit ng Tsina ang konsepto ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan, magsisikap kasama ng komunidad ng daigdig para maharap ang mga hamong dulot ng polar na ampilipikasyon, at panatilihin ang kapayapaan, istabilidad at sustenableng pag-unlad sa mga polar na rehiyon, dagdag ni Ding.
Sa paanyaya ng Pransya, dumalo rin si Ding sa Paris Peace Forum na idinaos Nobyembre 11, 2023.
Sa panahon ng pagbisita sa Pransya, nakipagtagpo si Ding kina Loic Herve, Pangalawang Pangulo ng Senado ng Pransya, Naima Moutchou, Pangalawang Pangulo ng Pambansang Asembleya ng Pransya, at Eric Alauzet, Tagapangulo ng France-China Friendship Group ng Pambansang Asembleya ng Pransya.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio