Natapos Oktubre 24, 2023, sa Beijing, ang ika-6 na sesyon ng Pirmihang Komite ng ika-14 na Pambansang Kongresong Bayan (NPC) ng Tsina, kataas-taasang lehislatura ng bansa.
Sa closing meeting, pinagtibay ng mga mambabatas, sa pamamagitan ng pagboto, ang rebisadong Marine Environment Protection Law at ang Patriotic Education Law.
Si Yin Hejun ay hinirang bilang Ministro ng Agham at Teknolohiya, para halinhan si Wang Zhigang. Si Lan Foan naman ay hinirang bilang Ministro ng Pananalapi, at pinalitan niya si Liu Kun.
Pinagtibay din ng mga mambabatas ang desisyon na tanggalin si Li Shangfu sa kanyang posisyon bilang Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa. Inalis naman si Qin Gang sa posisyon ng Kasangguni ng Estado.
Si Zhao Leji, Tagapangulo ng Pirmihang Komite ng NPC, ang namuno sa closing meeting.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan