Bating pambagong taon ng presidente ng CMG sa mga tagasubaybay sa buong mundo

2024-01-01 15:37:28  CMG
Share with:

 

Sa pamamagitan ng China Global Television Network (CGTN), China Radio International (CRI) at internet, ipina-abot, Enero 1, 2024 ni Presidente Shen Haixiong ng China Media Group (CMG) ang bating Pambagong Taon sa mga tagasubaybay sa buong mundo.

 


Heto ang buong teksto ng kanyang pagbati. 

 


Mga giliw na kaibigan,

 

Pag-angat ng bukang-liwayway ay sinalubong natin ang taong 2024.

 

Kaya naman, gusto kong ipa-abot sa inyong lahat ang aking pagbati't pangungumusta mula sa Beijing!

 

Ang katatapos na 2023 ay ika-10 anibersaryo ng Belt and Road Initiative (BRI) na iniharap ng Tsina, at dahil dito, kapit-bisig na umabante ang Tsina at daigdig.

 

Sa landas ng komong kasaganaan, tuluy-tuloy na pinapasulong ng CMG ang pagpapalitan ng iba't-ibang sibilisasyon, at nairekord ang maraming maganda at makabagbag-pusong saglit, sa pamamagitan ng kamera at pluma.

 

Pinataas din ng CMG sa bagong antas noong nagdaang taon ang inobasyong "kaisipan+sining+teknolohiya."

 

Isinahimpapawid nito sa mahigit 80 bansa ang multi-lengguwaheng bersyon ng ika-2 season ng "Classics Quoted by Xi Jinping;" idinispley ang serye ng mga programang pansining at dokumentaryo tungkol sa maluningning na sibilisasyon ng nasyong Tsino at daigdig; at umabot sa 41.4 bilyon ang na-abot o reach ng pagsasahimpapawid ng Hangzhou Asian Games sa lahat ng mga plataporma - pinakamataas sa kasaysayan.

 

Kasabay ng mga ito, umuusbong din ang sirkulo ng kaibigan ng CMG sa 2023.

 

Nilagdaan namin, kasama ng mga pandaigdigang media ang 58 kasunduan sa kooperasyon, at itinaguyod ang Ika-2 CMG Forum, ASEAN Media Partners Forum, at Our African Partners: CMG Media Cooperation Forum 2023.

 

Sa pamamagitan ng 51 aktibidad ng mga media sa buong mundo na tinaguriang "Chinese Modernization and the World," at 8 pagtatanghal ng Journey Through Civilizations World Tour, inilarawan namin, kasama ng mga kaibigan mula sa iba’t-ibang bansa ang magandang prospek ng modernisasyong pandaigdig na nagtatampok sa kapayapaan, kaunlaran, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan, at komong kasaganaan.

 

Sa kasalukuyang maligalig na daigdig, kailangang-kailangan ang kapayapaan, kaunlaran, kooperasyon at win-win na situwasyon.

 

Kaugnay nito, malugod naming nakita na ang mga ideya at paninindigan ng Tsina ay nauunawaan, kinikilala, at sinusuportahan ng parami nang paraming kaibigan sa mundo.

 

Sa sidelines ng mga pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), itinangkilik ng CMG ang diyalogo ng pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at Amerika na tinaguriang "Enduring Friendship."

 

Kasali rito ang mahigit 100 taong gulang na si Harry Moyer, beteranong sundalo ng Flying Tigers.

 

Sinabi niya sa akin na ang ideya ni Pangulong Xi hinggil sa komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan ay kumakatawan sa mithiin ng mga mamamayan.

 

Pagkabalik sa Tsina, tinanggap ko ang mga regalong gawang-kamay mula sa mga mag-aaral ng Lincoln High School ng estadong Washington ng Amerika.

 

Sa pamamagitan ng mga regalo, naramdaman ko ang hangarin ng mga bata sa kapayapaan, pagkakaibigan, at may-harmonyang pakikipamuhayan.

 

Bilang isa sa mga pinakamalaking komprehensibong media group sa daigdig, buong sikap na umusbong ang CMG, para hanapin ang mas malaking espasyong pangkaunlaran, nitong nakalipas na 5, taon sapul nang pormal itong maitayo.

 

Noong nagdaang taon, itinayo ng CMG ang ika-191 himpilan sa ibayong dagat - ito ang nagbuo sa broadcasting network na sumasaklaw sa 67 bansa’t rehiyon sa buong mundo.

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, lumampas sa 700 milyon ang bilang ng mga internasyonal na tagatangkilik ng CGTN, at maraming beses nang nagsilbing ugat ng impormasyon sa buong mundo ang pagkokober ng CMG sa malalaking pangyayaring pandaigdig.

 

Sa biyahe ng pagtatatag ng primera klaseng makabagong media, patuloy na gagawing target ng CMG ang paglikha ng mga klasikal na produksyon.

 

Mga giliw na kaibigan, ang taong 2024 ay taon ng dragon sa tradisyonal na kalendaryong Tsino.

 

Sa sibilisasyong Tsino, ang dragon ay simbolo ng suwerte at ligaya, at kumakatawan sa diwa ng pagtitipun-tipon ng katalinuhan ng lahat, paghahatid ng benepisyo sa lahat, paghahanap ng magkatulad na punto de bista, at pagtatayo ng may-harmonyang pakikipamuhayan ng sangkatauhan at kalikasan, habang isinasa-isantabi ang pagkakaiba.

 

Sa taon ng dragon, ipagdiriwang ng mga mamamayang Tsino ang ika-75 kaarawan ng Republika ng Bayan ng Tsina.

 

Batay sa diwa ng dragon, ikokober ng CMG ang mas makukulay na kuwento hinggil sa Tsina at mundo, at irerekord ang modernong kabanata ng sibilisasyon ng sangkatauhan.

 

Muli, binabati ko po kayong lahat at buong daigdig na Manigong Bagong Taon.


Salin: Vera
Pulido: Rhio Zablan