Pakikidalamhati kaugnay ng teroristikong pagsalakay sa Iran, ipinaabot ni Xi

2024-01-04 18:39:49  CMG
Share with:

Sa kanyang mensahe kay Pangulong Ebrahim Raisi ng Iran, Enero 4, 2024, kaugnay ng teroristikong pagsalakay sa Kerman, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa ngalan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino, siya ay malalimang nakikidalamhati sa mga nasawi, at taos-pusong nakikiramay sa mga nasugatan at kamag-anakan ng mga biktima.

 

Ipinagdiinan niyang tinututulan ng panig Tsino ang lahat ng mga porma ng terorismo, mariing kinokondena ang mga teroristikong pagsalakay, at matatag na sinusuportahan ang sigasig ng Iran upang ipagtanggol ang seguridad at katatagan ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio