Sektor ng lohistika ng Tsina, mabilis na lumawak noong Disyembre 2023

2024-01-08 15:58:59  CMG
Share with:


Ayon sa China Federation of Logistics and Purchasing (CFLP), Enero 7, 2024, mabilis na lumawak ang sektor ng lohistika ng bansa noong Disyembre 2023, at umabot sa 53.5% ang logistics market performance (LMP), na tumaas ng 0.2% kumpara noong Nobyembre 2023.

 

Ang lampas 50% LMP ay nangangahulungang ekspansyon, samantalang mas mababa sa 50% ay nagpapakita ng pagliit.

 

Ayon kay He Hui, Punong Ekonomista ng CFLP, kasabay ng patuloy na pagtaas ng makabagong pangangailangan at matatag na ekspektasyon sa paglaki ng mga kompanya sa hinaharap, lumakas ang sigla ng sektor ng lohistika ng Tsina noong nagdaang Disyembre 2023.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio