Tsina at Rusya, pasulungin ang malalim na pag-unlad ng bilateral na aktuwal na kooperasyon

2024-01-11 15:44:23  CMG
Share with:

Sa pag-uusap sa telepono, Enero 10, 2024, nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sergey Lavrov ng Rusya, ipinahayag ng panig Tsino, na sa ilalim ng estratehikong pamumuno nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Vladmir Putin ng Rusya, napapanatili ang mataas na lebel na pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong partnership ng dalawang bansa sa bagong panahon.

 

Aniya, ang taong ito ay ika-75 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya at pagsisimula ng Taon ng Kultura ng Tsina at Rusya, kaya naman, dapat isagawa ng dalawang panig ang aktibidad ng pagdiriwang, palakasin ng pagpapalitan sa mataas na antas, palalimin ang mga aktuwal na kooperasyon, at pasulungin ang pagpapalitang tao-sa-tao sa  iba’t-ibang larangan, para ilatag ang opinyong pampubliko at pundasyong panlipunan ng dalawang panig.

 

Tinukoy din ni Wang na bilang dalawang responsableng malaking bansa, kailangang palakasin ng Tsina at Rusya ang estratehikong koordinasyon sa kinabukasan ng daigdig at buong sangkatauhan, para buuin ang mas maraming estratehikong komong palagay at isagawa ang mas maraming estratehikong kooperasyon.

 

Sinabi naman ni Lavrov, na nakahanda ang Rusya na panatilihin ang pakikipagpalitan sa Tsina sa mataas na antas; palakasin ang kooperasyon sa kabuhayan at kalakalan, pamumuhunan at iba pang larangan; palalimin pagtutulungang pampalakasan, kultura at iba pang pagpapalitang kultural; at pahigpitin ang koordinasyon at komunikasyon sa mga suliraning pandaigdig, para magkakasamang pasulungin ang pagtatamo ng relasyong Ruso-Sino ng mas malaking bagong bunga.

 

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa kooperasyon ng BRICS, sagupaan ng Palestina at Israel, at ibang isyung panrehiyon at pandaigdig na kapuwa nila pinahahalagahan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio