Enero 14, 2024, Cairo, Ehipto – Sa magkasanib na preskon matapos ang pag-uusap nina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Sameh Shoukry ng Ehipto, sinabi ni Wang, na ang halalan sa rehiyon ng Taiwan ay suliraning lokal ng Tsina, at kahit ano pa ang resulta nito, hindi magbabago ang pundamental na katotohanang iisa lang ang Tsina sa daigdig, at ang Taiwan ay bahagi ng Tsina.
Hindi rin magbabago ang unibersal na komong palagay ng komunidad ng daigdig sa paggigiit sa simulaing isang-Tsina, diin niya.
Saad ni Wang, ang Taiwan ay hindi kailanman isang bansa, at sinuman sa islang ito ang naghahangad ng “pagsasarili” at pagwatak-watakin ang Tsina ay tiyak na papatawan ng mabigat na parusa ng kasaysayan at batas.
Isasakatuparan ng Tsina ang ganap na reunipikasyon, at tiyak na babalik sa inang bayan ang Taiwan, dagdag niya.
Nananalig aniya siyang batay sa simulaing isang-Tsina, patuloy na susuportahan ng komunidad ng daigdig ang makatarungang usapin ng mga mamamayang Tsino sa pagtutol sa mapangwatak na aksyon ng mga separatistang naninindigan sa “pagsasarili ng Taiwan,” at paghahangad ng reunipikasyon ng bansa.
Salin: Vera
Pulido: Rhio