Unang pag-eensayo ng 2024 Spring Festival Gala, itinaguyod ng CMG

2024-01-16 15:40:00  CMG
Share with:

Itinaguyod Lunes, Enero 15, 2024 ng China Media Group (CMG) ang unang dress rehearsal para sa 2024 Spring Festival Gala, taunang TV carnival para sa traditional Chinese Lunar New Year.

 

Inaasahang tatagal ng apat na oras ang mga palabas na kinabibilangan ng pagkanta, pagsasayaw, opera at ibang makukulay na programang panlibangan.

 


Sa ilalim ng prinsipyo ng pagsama-sama ng mga ideya, sining at teknolohiya, bibigyang-pokus ng nasabing gala ang mga mainitang paksang panlipunan at pang-araw-araw na pamumuhay ng mga karaniwang mamamayang Tsino, ipapahayag ang kanilang tunay na damdamin at ibabahagi ang ligaya ng pamilya sa pamamagitan ng maliwanag na wika, at paghahalu-haluin ang mga tradisyonal na elemento at virtual-tech ingenuity.

 

Inilunsad, sa kauna-unahang pagkakataon ng gala ang kampanya para sa pag-aanyaya ng mga news figure para manood ng mga pag-eensayo.

 

Sa susunod na ilang pag-eensayo, mas maraming kinatawan mula sa iba’t-ibang industriya na nagbigay ng namumukod na ambag ang iimbitahan bilang manunood na pandangal sa gala, at ipapadala nila ang bating pambagong taon sa lahat ng mga karaniwang mamamayan na naghahangad ng mas magandang kinabukasan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil