Premyer Tsino, dumalo at nagtalumpati sa taunang pulong ng 2024 WEF

2024-01-17 15:46:18  CMG
Share with:

Dumalo at nagtalumpati umaga, Enero 16, 2024, (local time), sa Davos, Swizerland, si Premyer Li Qiang ng Tsina sa taunang pulong ng 2024 World Economic Forum (WEF).

 


Inilahad ni Li ang limang mungkahi hinggil sa muling pagtatayo ng tiwala, pagpapalakas ng kooperasyon at pagtataguyod ng pandaigdigang pagbangon ng ekonomiya:

 

Una, palakasin ang koordinasyon ng patakarang makro-ekonomiko. Ikalawa, palakasin ang koordinasyon ng dibisyon ng gawain ng pandaigdigang industriya. Ikatlo, palakasin ang internasyonal na pagpapalitan at pagtutulungang pang-agham at pangteknolohiya. Ikaapat, palakasin ang kooperasyong berdeng pag-unlad. Ikalima, palakasin ang North-South Cooperation at South-South Cooperation para ganap na maisakatuparan ang 2030 Agenda for Sustainable Development ng United Nations.

 

Binigyan-diin ni Li na gaano man ang pagbabago ng kalagayang pandaigdig, igigiit ng Tsina ang pudamental na patakaran ng pagiging bukas sa labas, at malugod na tatangapin ang mga kumpanya mula sa iba’t ibang bansa na mamuhunan sa Tsina.

 

Dumalo sa naturang pulong ang humigit-kumulang 1,500 katao na kinabibilangan ng mga opisyal mula sa mga internasyonal na organisasyon, mga lider ng estado, political figures, negosyo, media at mga kinatawan mula sa iba’t ibang bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil