Taunang pulong ng WEF sa 2024, binuksan sa Davos, Switzerland

2024-01-16 15:41:29  CMG
Share with:

Sa ilalim ng temang “Muling Pagtatatag ng Pagtitiwala,” binuksan, Enero 15, 2024 sa Davos, Switzerland ang taunang pulong ng World Economic Forum (WEF).

 

Palalalimin ng kasalukuyang pulong ang diyalogo sa mga pangkagipitang suliraning pandaigdig na gaya ng paglago ng kabuhayan, aksyon ng klima at kalikasan at iba pa, at aktibong pasusulungin ang kooperasyon.

 

Kalahok dito ang mahigit 2,800 kinatawan mula sa 120 bansa’t rehiyon, na kinabibilangan ng mahigit 60 lider at opisyal ng pamahalaan ng mga bansa.

 

Sa bisperas ng pulong, inihayag ni Klaus Schwab, Tagapagtatag at Tagapangulong Tagapagpaganap ng WEF, na sa harap ng mundong watak-watak at lumalalang agwat ng lipunan, kailangang kailangan ang pangangasiwa sa krisis, paghanap ng ugat ng mga umiiral na problema, magkasamang pagtatatag ng mas maaasahang kinabukasan, at muling pagtatayo ng pagtitiwala sa kinabukasan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil