Paghigop ng “Lugaw Laba,” isang tradisyonal na pagdiriwang ng mga Tsino

2024-01-18 15:32:15  CMG
Share with:

Ipinagdiriwang ngayon araw, Enero 18, 2024 ang tradisyonal na kapistahang Tsino na kung tawagin ay Pestibal ng Laba.

 


Ang pestibal na ito ay hudyat na papalapit na ang Pestibal ng Tagsibol o Bagong Taong Tsino, pinakamahalagang kapistahan ng Tsina.

 


Ayon sa tradisyonal na kaugalian, niluluto at kinakain ng mga Tsino sa araw na ito ang isang klase ng lugaw na tinaguriang “Lugaw Laba.”

 


Ang paghigop ng lugaw na ito, partikular ng mga bata ay sumasagisag sa paghahangad ng kalusugan at kapayapaan, at nagpapakita ng magandang tradisyonal na kulturang Tsino.

 


Salin: Siyuan Li

 

Pulido: Rhio