Nakipagtagpo kahapon, Enero 19, 2024, sa Beijing, si He Lifeng, Pangalawang Premyer ng Tsina at namumunong opisyal na Tsino sa mga suliraning pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, sa delegasyong Amerikano ng grupong Sino-Amerikano sa mga gawaing pinansyal.
Ipinahayag ni He ang kahandaan ng Tsina, kasama ng Amerika, na ipatupad ang mga komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa sa kanilang pagtatagpo sa San Francisco, at pasulungin ang malusog, matatag, at sustenableng relasyong Sino-Amerikano.
Umaasa rin aniya siyang sasamantalahin ng dalawang bansa ang mekanismo ng grupo sa mga gawaing pinansyal, para patatagin at paunlarin ang tunguhin ng kooperasyon sa mga aspekto ng pinansyo.
Nauna rito, lumahok ang delegasyong Amerikano sa ikatlong pulong ng grupong Sino-Amerikano sa mga gawaing pinansyal na idinaos Enero 18 at 19 sa Beijing.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos