Bise Premyer Tsino, nakipagkita sa dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika

2024-01-19 16:20:40  CMG
Share with:

Nakipagkita, Enero 18, 2024 sa Beijing, si He Lifeng, Bise Premyer ng Tsina kay Timothy Geithner, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika at kasalukuyang Chairman ng Warburg Pincus, kung saan nagpalitan ang dalawang panig ng pananaw tungkol sa relasyong Sino-Amerikano, ekonomiya ng Tsina, capital market at iba pa.

 

Sinabi ni He, na ang ekonomiya ng Tsina ay patuloy na nagpapakita ng positibong tunguhin ng pagbangon, na may matatag na pagsulong ng de-kalidad na pag-unlad at maliwanag na hinaharap. Patuloy aniyang palalawakin ng Tsina ang mataas na lebel ng pagbubukas sa labas, pagbubutihin ang marketisado, legalisado, at internasyonalisadong kapaligirang pang-negosyo, at malugod na tinatanggap ang Warburg Pincus sa paglahok nito sa pagpapaunlad ng capital market ng Tsina at magbahagi ng mga oportunidad ng pag-unlad.

 


Sinabi naman ni Geithner na ang Warburg Pincus ay isa sa pinakaunang global asset management investment companies na pumasok sa Tsina, at patuloy nitong palalalimin ang ugnayan ng merkado ng Tsina.

 

Tagasalin: Bai Ruiyan


Pulido: Ramil