Ika-2 ensayo ng 2024 Spring Festival Gala, itinaguyod ng CMG

2024-01-22 16:41:08  CMG
Share with:


Itinaguyod, Enero 21, 2024 ng China Media Group (CMG) ang ika-2 dress rehearsal para sa 2024 Spring Festival Gala, taunang TV carnival para sa tradisyunal na Bagong Taong Tsino.

 


Kasama ng Beijing, dumalo rito, sa kauna-unahang pagkakataon, ang mga sub-venue sa apat na lunsod ng Tsina na kinabibilangan ng Shenyang ng lalawigang Liaoning, Changsha ng lalawigang Hunan, Xi’an ng lalawigang Shaanxi, at Kashgar ng Rehiyong Awtonomo ng Uygur ng Xinjiang.

 


Sa ilalim ng maligayang atmospera, ipinakikita ng nasabing gala ang makabagong kalagayan sa iba’t-ibang pook ng Tsina sa makabagong biyahe ng paghahangad ng magandang kinabukasan.

 

Patuloy na i-ooptimisa ng CMG ang iba’t-ibang uri ng programa sa nasabing gala, para ipagdiwang, kasama ng mga Tsino sa buong mundo, ang manigong bagong taon, sa pamamagitan ng makukulay na programa.

 

Salin: Vera

 

Pulid: Rhio