Base ng istasyon ng 5G sa Tsina, higit 3.3 milyon

2024-01-22 14:25:42  CMG
Share with:

Inihayag, Enero 19, 2024 ng Ministri ng Industriya at Impormasyong Panteknolohiya ng Tsina (MIIT), na nakamit ng bansa ang matibay na progreso sa larangan ng inobasyon at pag-unlad ng 5G noong 2023, kung kailan ang bilang ng mga base ng istasyon ng 5G ay umabot sa higit 3.3 milyon.

 

Sa preskon, sinabi ni Xin Guobin, Pangalawang Ministro ng MIIT, na mayroong mahigit 10 libong proyekto ng 5G-powered industrial internet sa bansa, at umabot naman sa 805 milyon ang mga gumagamit ng 5G mobile phone hanggang katapusan ng 2023.

 

Dagdag niya, ayon sa datos mula sa mga institusyong pansaliksik, tinatayang umabot sa 1.86 trilyong yuan RMB (mahigit $US261 trilyong dolyar) ang economic output na idinulot ng 5G noong nakaraang taon, na lumaki ng 29% kumpara sa taong 2022.

 

Salin: Kulas

Pulido: Rhio