Kampala, kabisera ng Uganda - Sa kanyang talumpati sa Ika-19 na Summit ng Non-Aligned Movement (NAM) mula Enero 19 hanggang 20, 2024, inihayag ni Liu Guozhong, Espesyal na Kinatawan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangalawang Premyer ng bansa, na nabuo ang NAM sa mga pambansang kampanya ng liberasyon sa Asya, Aprika at Latin Amerika, at mabisa itong nakapagpasulong sa kapayapaan ng mundo at progreso ng sangkatauhan.
Diin niya, bilang miyembro ng pamilya ng mga umuunlad na bansa, nakahanda ang Tsina, kasama ng mga kasapi ng NAM, na gawing patnubay ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabuksan ng sangkatauhan, upang pasulungin ang pagpapatupad ng Global Development Initiative, Global Security Initiative at Global Civilization Initiative; pag-ibayuhin ang de-kalidad na kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative; imungkahi ang pantay at maayos na multi-polarisasyon ng mundo at ekonomikong globalisasyon na may unibersal na benepisyo at pagbibigayan; at pasulungin ang pag-unlad ng daigdig tungo sa mapayapa, ligtas, masagana, at malinawag na prospek.
Kalahok sa summit ang mga lider ng mga bansa’t pamahalaan, matataas na kinatawan mula sa mahigit 100 bansa, at mga namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig.
Nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa kasalukuyang kalagayang pandaigdig at pagpapalakas ng papel ng NAM.
Binigyan nila ng positibong pagtasa at paghanga ang talumpati ng panig Tsino.
Salin: Vera
Pulido: Rhio