Dating panahon ni Xi sa Fuzhou: proyektong ‘3820’ na ang sentro nito ay mga mamamayan

2024-01-23 16:16:55  CMG
Share with:

Noong 1992, nanungkulan si Xi Jinping bilang kalihim ng Fuzhou Committee ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa lalawigang Fujian, at gumawa siya ng 3-taon, 8-taon at 20-taon plano sa kaunlarang ekonomiko at panlipunan ng Fuzhou.

 


Inilakip sa nasabing estratehikong proyektong tinawag na “3820” ang mga usaping kinabibilangan ng pagtatayo ng mga pasilidad sa lunsod, pangangalaga sa kapaligiran, kultura, at edukasyon, at mainam na ipinakita nito ang ideya ng pag-unlad na gawing sentro ang mga mamamayan.

 

Noong unang dako ng 1990s, nakatira sa isang maliit na bapor-kahoy sa kahabaan ng Ilog Minjiang ang tatlong henerasyon ng pamilya ni Zheng Hejian.

 

Sa kanyang paglalakbay-suri bilang kalihim ng Fuzhou Party Committee noong Marso ng 1991, natuklasan ni Xi ang ganitong situwasyon, at agarang itinaguyod ang isang on-site meeting para pag-aralan ang hinggil sa pagresolba sa problemang ito.

 

Ayon kay Zheng, inilakip kaagad sa mga praktikal na proyektong lokal sa pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan ang pagbibigay-matutuluyan sa mga nakatira sa barong-barong at maliliit na bapor.

 

Aniya, 10 buwan lang ang nakaraan para ilipat sa Red Star New Village ang 104 pamilyang nakatira sa mga bapor.

 


Ang kuwento ng pagbabago ng pamumuhay ng mga nakatira sa mga bapor na gaya ni Zheng ay halimbawa ng pagpapatupad ng proyektong “3820.”

 

Paulit-ulit na nanawagan si Xi sa mga opisyal na pahalagahan ang kainitan at kaligtasan ng mga mamamayan, at gawing mahalagang gawain ang mga isyung may kinalaman sa mga mamamayan.

 

Sa isang panayam noong 1995, sinabi ni Xi na sa pamamagitan ng pagpapahigpit ng pag-uugnayan ng mga opisyal at mamamayan, maaaring napapanahong malaman ng mga pamahalaan sa lahat ng mga antas ang mga problema, at gawin ang imbestigasyon at pananaliksik sa pamamagitan ng ganitong tsanel ng pakikipag-ugnayan sa mga mamamayan.

 

Higit sa lahat, maaaring napapanahong resolbahin ang mga praktikal na problemang may kinalaman sa mga mamamayan, at lutasin ang mga kahirapan at mainitang isyu, diin ni Xi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil