Xi Jinping, hinahangaan ang mga namumukod na inhinyerong Tsino

2024-01-20 17:49:49  CMG
Share with:

 

Idinaos kahapon, Enero 19, 2024, sa Beijing ang seremonya ng paggawad ng Pambansang Parangal para sa Inhinyero ng Tsina.

 

Sa kanyang mensahe sa aktibidad na ito, iniabot ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbati at paghanga sa lahat ng mga indibiduwal at grupong ginawaran ng naturang gantimpala, sa pamamagitan ng pagsabing sila ay mahuhusay na kinatawan at huwaran ng lahat ng mga inhinyero sa Tsina.

 

Dagdag niya, ang mga inhinyero ay malakas na puwersa sa pagpapasulong sa pagdudulot ng agham at teknolohiya ng mga benepisyo sa sangkatauhan at paglikha ng kinabukasan. Sila rin aniya ay pangunahing bahagi ng mga estratehikong talento ng Tsina.

 

Ito ang kauna-unahang paggawad ng Tsina ng Pambansang Parangal para sa Inhinyero. Ginawaran ng gantimpala ang 81 indibiduwal at 50 grupo.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos