Inilabas ngayong araw, Enero 23, 2024, ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ang white paper na pinamagatang “China's Legal Framework and Measures for Counterterrorism.”
Ayon sa dokumento, nitong ilang taong nakalipas, nakahanap ang Tsina ng landas kontra terorismo batay sa batas na angkop sa katotohanan, sa pamamagitan ng pagtatatag ng maayos na legal na balangkas; pagtataguyod sa pagpapatupad ng batas na mahigpit, makatarungan, walang kinikilingan, at may mga prosidyur alinsunod sa pamantayan; at pagtitiyak ng walang kinikilang pangangasiwa ng hustisya at epektibong proteksyon ng mga karapatang pantao.
Sinabi ng naturang white paper na ang mga paraan ng paglaban kontra terorismo, angkop sa komong halaga ng sangkatauhan, sumusunod sa mga pamantayan at prinsipyo ng United Nations, at umaayon sa mga kundisyon at legal na institusyon ng iba’t ibang bansa, ay bahagi ng pandaigdigang pagsisikap para labanan ang terorismo sa ilalim ng panununtunan ng batas.
Sinabi rin ng dokumento na sa pananangan ng bisyon ng internasyonal na komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng ibang mga bansa, para pasulungin ang paglaban kontra terorismo bilang bahagi ng pandaigdigang pamamahala.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil