Hakbangin sa pagpapasulong ng rebitalisasyon ng kanayunan, pasusulungin ng Tsina

2024-01-23 16:12:32  CMG
Share with:

Nagsagawa, Enero 22, 2024, ang Konseho ng Estado ng Tsina, ng isang ehekutibong pulong para pag-isipan ang mga hakbangin para sa pagpapasulong ng rebitalisasyon ng kanayunan sa lahat ng larangan.

 

Pinanguluhan ito ni Premiyer Li Qiang ng Tsina para bigyan-diin ang kahalagahan ng pagbibigay priyoridad sa pag-unlad ng agrikultura at mga rural na lugar, pagpapabilis ng pag-unlad ng modernong agrikultura, pagpapatibay ng pundasyon ng seguridad ng pagkain, at pagtataguyod ng mabilis na paglaki ng kita ng mga magsasaka sa maraming paraan.

 

Ayon sa pulong, ang pag-aalaga at pag-akit ng mga talento ay kinakailangan upang makisangkot sa rebitalisasyon sa kanayuan, tulad ng pagpapabilis ng transpormasyon ng porma ng berdeng pag-unlad.

 

Sinuri at pinagtibay sa pulong ang isang patnubay para sa pagtataguyod ng de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng instant delivery, at isinagawa ang mga pagsasaayos para sa pagpapadali ng bagong industriyalisasyon gamit ang artificial intelligence.

 

Iniulat din sa pulong ang operasyon ng merkado ng kapital, pati na ang mga konsiderasyon para sa mga kinauukulang gawain at tinalakay ang panukalang batas sa atomikong enerhiya at isang panukalang rebisyon ng batas sa anti-money laundering.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil