Idinaos, mula Disyembre 19 hanggang 20, 2023 sa Beijing ang taunang Central Rural Work Conference (CRWC), upang i-plano ang mga priyoridad sa gawaing pangkanayunan at rural sa 2024.
Sa kanyang paglalahad ng mga patnubay, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na nitong 2023, napanaigan ng bansa ang mga medyo malubhang likas na kapahamakan at iba pang multipleng di-paborableng kondisyon, iginarantiya ang bagong rekord ng output ng pagkaing-butil, isinakatuparan ang may kabilisang pagtaas ng kita ng mga magsasaka, at pinanatili ang harmonya at katatagan sa kanayunan.
Dapat patuloy na patibayin ang pundasyon ng sektor ng agrikultura, at komprehensibong pasiglahin ang kanayunan, upang mapasulong ang modernisasyong Tsino, ani Xi.
Tinukoy niyang dapat palakasin ang papel ng siyensiya’t teknolohiya at reporma, pag-ibayuhin ang sigasig sa pagkakamit ng mga breakthrough sa mga nukleong teknolohiya, at i-optimisa ang mekanismo ng gawain ng agrikultura, kanayunan at magsasaka, para pasiglahin ang modernisasyong agrikultural.
Diin niya, dapat igarantiya ang maalwang restorasyon at rekonstruksyon pagkatapos ng kalamidad, komprehensibong palakasin ang kakayahan sa pagpigil, pagbabawas at pagliligtas sa kalamidad, at iwasan ang malawakang pagbalik sa karalitaan.
Kailangan ding pataasin ang pag-unlad ng industriyang pangkanayunan, konstruksyong pangkanayunan at pangangasiwang pangkanayunan; at masikap na pasulungin ang substansyal na progreso ng komprehensibong pagpapasigla ng kanayunan, dagdag ni Xi.
Salin: Vera
Pulido: Rhio