Ayon sa kanilang magkasanib na pahayag, sinabi ng mga ministring panlabas ng Iran at Pakistan, na maari nang bumalik sa kani-kanilang posisyon ang mga embahador ng dalawang bansa sa Enero 26, 2024, at dadalaw sa Pakistan si Ministrong Panlabas Amirabdollahian sa Enero 29.
Bilang reaksyon, ipinahayag Enero 23 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ikinalulugod ng kanyang bansa ang progresong natamo ng Iran at Pakistan sa pagpapanumbalik ng kanilang relasyon sa pamamagitan ng mapagkaibigang konsultasyon.
Handa aniyang makipagtulungan ang Tsina sa dalawang bansa upang mapalakas ang kooperasyong may mutuwal na benepisyo, pagtatanggol ng rehiyonal na kapayapaan, katatagan at kaunlaran.