Iran, nadakip ang 11 suspek sa mga pagsabog sa Kerman

2024-01-06 17:53:47  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag kahapon, Enero 5, 2024 ng Intelligence Ministry ng Iran, nadakip sa 6 na lalawigan ang 11 suspek na may pinaghihinalaang kasangkot sa dalawang suicide bombing na naganap noong Enero 3 sa Kerman, lalawigan sa timog Iran.

 

Sinabi ng naturang ministri, na nakumpirma ang dalawang "suicide terrorist" sa insidenteng ito, isa sa kanila ay galing sa Tajikistan at ang isa naman ay sinisiyasat pa ang pagkakakilanlan hanggang sa ngayon.

 

Ayon pa rin sa pahayag, ang nadakip na 11 suspek ay tumulong sa paghahatid ng dalawang terorista, o nagbigay ng tirahan sa kanila.

 

Samantala, inako na ng Islamic State group (IS) ang responsibilidad para sa insidenteng ito.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos