Tsina sa Biyetnam: Xisha Qundao at Nansha Qundao, teritoryo ng Tsina

2024-01-25 16:36:15  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Biyetnam kamakailan, sinabi, Enero 24, 2024, ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Xisha Qundao o Xisha Islands at Nansha Qundao o Nansha Islands ay teritoryo ng bansa.

 


Mayroon aniyang matibay na batayang legal at historikal ang Tsina hinggil dito.

 

Diin niya, ang Tsina ang unang nakatuklas, nagbigay ng pangalan, at nagpaunlad ng mga kapuluang ito, at patuloy na nagpapatupad ng soberanya at hurisdiksyon dito.

 

Palagian aniyang tinututulan ng Tsina ang mga ilegal na pag-angkin ng ibang bansa sa teritoryo nito at patuloy na matatag na ipagtatanggol ang sariling soberanya.

 

Tagasalin: Bai Ruiyan