Hanoi, Disyembre 13, 2023 - Magkakasamang kinatagpo nina Pangulong Xi Jinping at Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, at Pangkalahatang Kalihim Nguyen Phu Trong ng Partido Komunista ng Biyetnam at kanyang asawa, ang mga kinatawan ng mga kabataan at personaheng kaibigan ng dalawang bansa.
Si Pangulong Xi Jinping ng Tsina,nagtalumpati sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kinatawan ng mga kabataan at personaheng kaibigan ng Tsina at Biyetnam (photo from Xinhua)
Ipinahayag ni Xi na ang pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam na may estratehikong katuturan ay simula ng bagong yugto ng pag-unlad ng relasyon ng dalawang bansa at dalawang partido.
Ani Xi, ang pundasyon ng pagkakaibigan ng Tsina at Biyetnam ay mga mamamayan, at ang kinabukasan nito ay mga kabataan.
Umaasa ang pangulong Tsino, na mag-aambag ang mga kabataan ng dalawang bansa para sa tatlong usaping kinabibilangan ng pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng Tsina at Biyetnam na may estratehikong katuturan, pagsasakatuparan ng pangmalayuang kaligtasan at katatagan sa Asya-Pasipiko, at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kapalaran ng buong sangkatauhan.
Umaasa naman si Nguyen Phu Trong na magiging malalim, malaman at ipagpapatuloy ng mga kabataan ang pagkakaibigan ng mga lider ng matandang henerasyon ng dalawang bansa, at walang humpay na idudulot ang bagong sigla sa pagpapabuti ng komprehensibong estratehikong partnership ng Biyetnam at Tsina, at pag-unlad ng usaping sosyalismo ng dalawang panig.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio