Potensyal na kooperasyon sa Hapon, handang galugarin ng Tsina - premyer Tsino

2024-01-26 14:45:13  CMG
Share with:

Nakipagtagpo kahapon, Enero 25, 2024, sa Beijing, si Premyer Li Qiang ng Tsina, sa isang delegasyong pang-negosyong Hapones sa pangunguna nina Masakazu Tokura, Chairman ng Japan Business Federation, Kosei Shindo, Chairman ng Japan-China Economic Association, at Ken Kobayashi, Chairman ng Japan Chamber of Commerce and Industry.

 

Ani Li, ang relasyong Sino-Hapones ay nasa isang mahalagang yugto. Hinimok niya ang mga business circle ng dalawang bansa na igiit ang tamang direksyon ng kapayapaan, pagkakakaibigan at pagtutulungan, para mapanumbalik ang relasyong Sino-Hapones sa tamang landas tungo sa malusog at matatag na pag-unlad.

 

Aniya, nakahanda ang panig Tsino, kasama ng panig Hapones, na ibayo pang galugarin ang potensyal na kooperasyon, para pasulungin ang kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang bansa sa iba’t-ibang larangang gaya ng inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, digital economy, berdeng pag-unlad, medisina at pag-aalaga sa mga matatanda, magkasamang panatilihin ang matatag at maayos na takbo ng kadenang suplay at industriyal, tungo sa pagkamit ng komplementaridad sa mataas na lebel at win-win na resulta.

 

Ipinahayag naman ng pinuno ng naturang delegasyong Hapones, ang kahandaan ng panig Hapones, na magsikap kasama ng panig Tsino, para mapalalim ang kanilang kooperasyon at mapasulong ang relasyong Hapones-Sino.

 

 

Sain: Kulas

Pulido: Ramil