CMG Komentaryo: Relasyong pangkapitbansa ng Tsina, Hapon at Timog Korea, sinimulang muli

2023-11-28 16:27:29  CMG
Share with:

Makaraan ng mahigit 4 na taon, muling nagtagpo Linggo, Nobyembre 26, 2023 sa Busan, Timog Korea ang mga ministrong panlabas ng Tsina, Hapon at Timog Korea.

 


Nagkaisa ng palagay ang tatlong bansa hinggil sa pagpapalalim ng trilateral na kooperasyon, at nagpalitan din ng kuru-kuro sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na pawa nilang pinahahalagahan.

 

Ipinalalagay ng opinyong publiko na ang pagtatagpong ito ay nakalikha ng kondisyon at atmospera para sa pagdaraos ng pulong ng mga lider ng tatlong bansa sa susunod na yugto.

 

Sa kasalukuyan, matumal ang pagbangon ng kabuhayang pandaigdig, at mayroong komong kapakanan at pangangailangan ang Tsina, Hapon at Timog Korea sa mga aspektong gaya ng pagpapalalim ng pragmatikong kooperasyon, pangangalaga sa katatagan ng industry at supply chain at iba pa.

 

Sa loob ng Hapon at Timog Korea, may makatarungang pananaw na kung walang alinlangang susunod sa Amerika ang mga pamahalaan ng dalawang bansa, at itatakwil ang pragmatiko’t makatarungang patakaran sa Tsina, makakapinsala ito sa sariling kapakanan sa wakas, at magbubunsod ng napakalaking nakatagong panganib sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon ng Silangang Asya.

 


Iginagalang ng Tsina ang pagpapaunlad ng Hapon at Timog Korea ng relasyon sa iba’t ibang bansa sa daigdig, pero ang anumang relasyon ay hindi dapat gamitin para sugpuin, maging kubkubin ang mga kapitbansa.

Nananatiling mabait ang Tsina sa mga kapitbansa, at ginagawang partner ang mga kapitbansa.

 

Umaasa ang panig Tsino na ipapakita ng Hapon at Timog Korea ang parehong mithiin at determinasyon, sarilinang ipapasiya ang kani-kanilang estratehiya, at di-magmamatigas sa Tsina, upang pasulungin ang komprehensibong pagpapanumbalik at pangmalayuang pag-unlad ng kooperasyon ng tatlong bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil