Premiyer Tsino, pinanguluhan ang simposium para pakinggan ang opinyon ng panukalang ulat sa trabaho ng pamahalaan

2024-01-26 16:02:38  CMG
Share with:

Pinanguluhan kamakailan ni Premiyer Li Qiang ng Tsina ang isang symposium para pakinggan ang opinyon at mungkahi ng mga lider ng di-CPC (Partido Komunista ng Tsina) na partidong pulitikal at All-China Federation of Industry and Commerce (ACFIC), at mga kinatawan ng mga taong walang kaakibat na partido, hinggil sa panukalang ulat sa trabaho ng pamahalaan.

 

(photo from Xinhua)


Sa nakalipas na taon, matatag na tumahak ang Tsina sa landas ng pagtatatag ng modernong sosyalistang bansa sa lahat ng larangan.

Inilahad ng mga kalahok ang mungkahi at opinyon hinggil sa iba’t ibang tema na kinabibilangan ng trabaho ng pamahalaang may kinalaman sa macro-control, inobasyong pansiyensiya’t panteknolohiya, pagpapaunlad ng umuusobong na industriya, pagpapasigla sa dinamismong merkado at pagsusulong ng berdeng pag-unlad.

 

Nanawagan si Li na dapat siyentipikong unawain ang mga situwasyon sa loob at labas ng bansa, habang pinapanatili ang malamig na ulo at gumawa ng purong pagsisikap sa pagpapasulong ng mga layunin ng bansa.

 

Sinabi ni Li na ang mga polisiya at kaayusan sa trabaho ng Komite Sentral ng CPC ay ganap na maipapatupad at ang pamahalaan ay nagsisikap para epektibong makamit ang mga kongkretong resulta sa mga pangunahing gawain sa pagpapaunlad ng ekonomiya at lipunan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil