Sa isang pambansang telekomperensya hinggil sa kaligtasan ng pinagtatrabauhan Biyernes, Enero 26, 2024, ipinagdiinan ni Premyer Li Qiang ng Tsina na kailangang mataimtim na suriin ang mga nakatagong panganib, at pigilan ang madalas na pagganap ng mga sakuna sa pinagtatrabahuhan, upang pangalagaan ang kaligtasan ng buhay at ari-arian ng mga mamamayan, at igarantiya ang katatagang panlipunan.
Aniya, dapat malalimang pulutin ang aral mula sa mga sakuna kamakailan na nagbunga ng malubhang kasuwalti.
Kasabay ng paglapit ng Spring Festival, tradisyonal na Bagong Taong Tsino, hinimok niya ang mga pamahalaan at departamento ng iba’t ibang lugar na lubos na bantayan ang iba’t ibang uri ng nakatagong panganib, at pag-ibayuhin ang mga hakbangin para igarantiya ang kaligtasan ng pinagtatrabahuhan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil