Kabuuang kita ng mga SOE ng Tsina sa 2023, higit 4.6 trilyong RMB

2024-01-29 17:45:22  CMG
Share with:

Ayon sa datos ng Ministri ng Pinansya ng Tsina, patuloy na lumaki ang kita at matatag ang paglaki ng mga state-owned enterprises (SOE) ng bansa noong 2023, bagay na nagpakita ng tunguhin ng pagbangon.

 

Mula noong Enero hanggang Disyembre ng 2023, ang kabuuang kita ng mga SOE ay higit 85 trilyong yuan Renminbi, na tumaas ng 3.6% kumpara sa taong 2022, samantalang ang netong kita naman ng mga ito ay higit 4.6 trilyong yuan Renminbi, na tumaas ng 7.4%, anang ministri.

 

Tagasalin: Bai Ruiyan


Pulido: Rhio