MOFA: hinihimok ang Amerika na agarang itigil ang pagsupil at paghihigpit sa mga estudyanteng Tsino sa Amerika

2024-02-01 15:58:28  CMG
Share with:

Kaugnay ng hindi makatwirang panliligalig, interogasyon at pagpapabalik sa mga estudyanteng Tsino na pumapasok sa Amerika, ipinahayag Enero 31, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang mga naiuugnay na aksyon ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas ng Amerika ay malubhang lumalabag sa lehitimong karapatan at kapakanan ng mga kaukulang tao, malubhang nakakapinsala sa pagpapalitang kultural at tauhan, at malubhang sumasalungat sa mga napagkasunduan ng mga lider ng dalawang bansa, sa pagpapalakas sa pagpapalitang tao-sa-tao at kultural. 

Ani Wang, iniharap na ng Tsina ang solemnang representasyon sa panig Amerikano. 


Hinihimok aniya ng Tsina ang Amerika na agarang itigil ang paggamit ng katuwirang umano’y “pambansang seguridad” para higpitan at pigilan ang mga estudyanteng Tsinong nag-aaral sa Amerika, at totohanang mapangalagaan ang kaligtasan at lehitimong karapatan ng mga estudyante at iskolar na Tsino sa Amerika. 


Isasagawa ng Tsina ang matatag na hakbangin para mapangalagaan ang pambansang seguridad at lehitimong karapatan at kapakanan ng mga mamamayang Tsino, dagdag ni Wang. 


Salin:Sarah

Pulido:Ramil