Bating pang-Spring Festival sa sambayanang Tsino, ipinaabot ni Pangulong Xi

2024-02-02 20:56:44  CMG
Share with:

 

Sa kanyang inspeksyon ngayong araw, Pebrero 2, 2024 sa Munisipalidad ng Tianjin sa dakong hilaga ng Tsina, ipinaabot ni Pangulong Xi Jinping ng bansa ang bating pang-Spring Festival sa lahat ng mga mamamamayang Tsino.

 

Hangad ni Xi ang mabuting kalusugan at kaligayahan sa nalalapit na Taon ng Dragon para sa mga mamamayang Tsino ng ibat ibang grupong etniko, mga kababayan mula sa Hong Kong, Macao at Taiwan, at mga overseas Chinese.

 

Hangad din niya ang kapayapaan at kasaganaan ng inang-bayan.

 

Ang Spring Festival o Chinese New Year ay natatapat sa Pebrero 10, 2024.

 

Salin: Jade

Pulido: Ram