Pinanguluhan Miyerkules, Enero 31, 2024 ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa ang pulong ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC.
Sinuri sa pulong ang ulat ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC, pagkaraang pakinggan at pag-aralan nito ang mga ulat sa gawain ng mga grupo ng mga pinunong miyembro ng Partido ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), Konseho ng Estado, Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino (CPPCC), Kataas-taasang Hukumang Bayan (SPC), at Kataas-taasang Prokuraturang Bayan (SPP), pati na rin ng ulat sa gawain ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.
Sinuri rin sa pulong ang ulat ng paglagom hinggil sa programa ng teoretikal na pag-aaral ng Partido kaugnay ng kaisipan ni Xi Jinping sa sosyalismong may katanging Tsino sa makabagong panahon, isang guideline sa pagpapalawak ng natamong bunga ng nasabing programa ng teoretikal na pag-aaral, at mga regulasyon ng CPC sa disiplinaryong inspeksyon.
Binigyan ng mga kalahok sa pulong ng lubos na pagpapahalaga ang gawain ng mga grupo ng mga pinunong miyembro ng Partido ng Pirmihang Lupon ng NPC, Konseho ng Estado, CPPCC, SPC at SPP, pati na rin ang gawain ng Sekretaryat ng Komite Sentral ng CPC.
Inaprobahan din ang kanilang plano sa mga gawain sa 2024.
Salin: Vera
Pulido: Ramil
Artikulo ni Xi hinggil sa pagpapatibay ng kamalayan ng komunidad para sa nasyong Tsino, ilalabas
Pagbati para sa Pestibal ng Tagsibol sa mga beteranong militar, ipinaabot ni Xi
Kredensyal ng mga bagong embahador sa Tsina, tinanggap ni Pangulong Xi Jinping
Dating panahon ni Xi sa Fuzhou: proyektong ‘3820’ na ang sentro nito ay mga mamamayan