MOFA: hinihimok ang Amerika na itigil ang cyberespionage at cyberattacks

2024-02-02 17:00:33  CMG
Share with:

Kaugnay ng paninirang-puri ng opisyal ng Amerika sa Tsina hinggil sa mga isyu ng cybersecurity, ipinahayag Pebrero 1, 2024, ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang Amerika ang nagpasimula at may pinakamalaking kasalanan sa mga cyberattack, hinihimok ng Tsina ang Amerika na itigil ang cyberespionage at cyberattacks sa buong mundo, at ihinto ang paggamit ng mga isyu ng cybersecurity sa paninira ng ibang mga bansa.

 

Sinabi ni Wang na buong tatag na tinututulan ng Tsina at nilalabanan ang anumang porma ng cyberattack alinsunod sa batas.

 

Sinabi din ni Wang na US Cyber Force Command ay tahasang naglilista ng mga kritikal na imprastruktura ng ibang bansa bilang lehitimong target para sa mga cyberattack ng Amerika, at ang mga ganitong iresponsableng patakaran at gawain ng Amerika ay nagdulot ng napakalaking panganib sa pandaigdigang kritikal na imprastruktura.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil