Inilabas kahapon, Pebrero 3, 2024, ng Tsina ang ‘No. 1 central document' for 2024, na binigyang-diin ang priyoridad ng komprehensibong pagpapasulong ng rebitalisasyong ng kanayunan para sa taong ito.
May anim na bahagi ang naturang dokumento na kinabibilangan ng pagtitiyak ng pambansang seguridad ng pagkain, pagbabawas ng malaking saklaw ng karalitaan, pagpapabuti ng pag-unlad ng mga industriya sa kanayunan, pagpapalakas ng konstruksyon sa kanayunan, pagpapabuti ng pamamahala sa kanayunan at pagpapalakas ng pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina sa mga gawain tungkol sa agrikultura, kanayunan at magsasaka.
Bilang unang pahayag ng patakaran na inilabas ng mga sentral na awtoridad ng Tsina bawat taon, ang dokumentong ito ay nakikita bilang isang tagapagpahiwatig ng priyoridad ng patakaran.
Sinabi nito na kailangan pataasin ang lebel ng industriyal sa pag-unlad ng kanayunan, pag-unlad ng kanayunan, pamamahala sa kanayunan, palakasin ang mga hakbangin para mapataas ang kita ng mga magsasaka, at pahusayin ang two-wheel drive ng agham at teknolohiya at reporma.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil