“Spring Festival Overture” ng CMG, idinaos sa Recife, Brazil

2024-02-05 15:54:37  CMG
Share with:

Idinaos Pebrero 3, 2024, sa Recife, Brazil, ang aktibidad ng “Spring Festival Overture at Global View ng Spring Festival Gala” na magkasamang itinaguyod ng Konsulado-Heneral ng Tsina sa Recife at China Media Group (CMG).

 

Ang tema ng aktibidad na ito ay pagdiriwang ng Pestibal ng Tagsibol ng Taon ng Dragon ng Tsina at ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Brazil.

 

Lumahok sa aktibidad ang mahigit 4000 personahe na kinabibilangan ng mga opisyal ng Tsina at Brazil, tauhan mula sa iba’t ibang sirkulo ng Brazil, mga kinatawan ng media, at mga overseas at ethnic Chinese.

 

Noong 2022, nagpasa ng isang kautusan ang lunsod Recife at napagpasyahan na gawing pistang opisyal ang Pestibal ng Tagsibol ng Tsina.

 

Lubos nitong ipinakikita ang malalim na pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng Tsina at Brazil.

Salin:Sarah

Pulido:Ramil